Nadepensahan ni Joel Embiid ng 76ers si Giannis Antetokoumpo ng Bucks sa aksyong ito sa NBA.
Antetokoumpo gumana, Bucks No. 1 sa East
(Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2019 - 12:00am

PHILADELPHIA-- Tumi­rada ng 45 puntos at 13 rebounds si Giannis Antetokoumpo upang i­angat ang Milwaukee Bucks sa 128-122 panalo kontra sa 76ers para makamit ang best record sa Eastern Conference.

Tumapos din ng 22 puntos si Khris Middleton para sa Bucks na papasok sa playoff  bilang No. 1 seed sa Eastern Conference sa unang pagkakataon sa franchise history. Na­ging top seed din sila sa Wes­tern Conference ng tatlong beses sa una nilang anim na taon sa NBA, ang huli ay noong 1973-74 season.

Nagtala rin si Joel Embiid ng kanyang ikalawang career triple-double na 34 puntos, 13 rebounds at 13 assists sa kanyang pag­­babalik makaraang mawala ng tatlong games dahil sa left knee injury.

Sa Los Angeles, umiskor si DeMarcus Cou­sins ng walong puntos sa kanyang kabuuang 21 sa u­nang pitong minuto para sa 108-90 panalo ng bisitang Golden State Warriors laban sa Lakers.

Dahil sa panalo (54-24), mahigit dalawang panalo na lamang ang kailangan ng nagdedepensang Warriors upang tuluyan ng a­ng­kinin ang top seed sa Western Conference.

Sa Sacramento, umiskor ng game-high 23 puntos si Buddy Hield para sa 117-104 panalo ng Kings laban sa Cleveland Cavaliers.

Pinangunahan ng Fil-Am Jordan Clarkson ang Ca­valiers sa kanyang 22 puntos sa 9-of-13 shooting sa field.

Natamo ng Cavs (19-60) ang kanilang ika-pitong sunod na kabiguan dahilan para bumagsak sa 6-34 sa road game kung saan natalo ito ng  60 laro o higit pa sa ika-limang pagkakataon sa franchise history.

GIANNIS ANTETOKOUMPO MILWAUKEE BUCKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with