^

PSN Palaro

Ginebra tangka ang No. 3 vs Meralco

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra tangka ang No. 3 vs Meralco
Lalabanan ng Gin Kings ang Meralco Bolts ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pagtutuos ng Alaska Aces at NorthPort Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Jun Mendoza

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Alaska vs NorthPort

7 p.m. Ginebra vs Meralco

MANILA, Philippines — Dahil sa tuluyang pag-angkin ng Rain or Shine sa No. 2 seat ay tanging hahangarin na lamang ng Barangay Ginebra ay ang masikwat ang No. 3 spot sa eight-team quarterfinal round.

Lalabanan ng Gin Kings ang Meralco Bolts ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pagtutuos ng Alaska Aces at NorthPort Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nagmula ang Gin Kings (6-3) sa 105-96 panalo laban sa NLEX Road Warriors (4-6) na nagpormalisa sa kanilang pagpasok sa quarterfinals  habang nakalasap ng 77-92 pagyukod ang Bolts (3-7) laban sa Aces (4-5).

Kahit na magtapos sa magkaparehong baraha ang Ginebra at Rain or Shine (8-3) ay makakamit pa rin ng Elasto Painters ang No. 2 seat bunga ng kanilang 83-80 panalo laban sa Gin Kings sa una nilang pagtatagpo.

Ang No. 1 Phoenix (9-2) at No. 2 Rain or Shine ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 teams, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.

Maglalaban naman sa isang best-of-three series ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5 squad.

Sa unang laro, puntirya naman ng NorthPort (3-6) ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Alaska para buhayin ang tsansa sa quarterfinals.

vuukle comment

2019 PBA PHILIPPINE CUP

BARANGAY GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with