^

PSN Palaro

Lady Spikers, Tigresses kakalas sa 4-way tie

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Lady Spikers, Tigresses kakalas sa 4-way tie
Galing ang Lady Spi­kers sa kanilang ikalawang talo sa mga kamay ng UP Lady Maroons, 16-25, 24-26, 25-19 sa se­cond round ng elims noong Linggo habang asam ng UST Tigresses na bumawi sa mapait na 25-19, 25-22, 25-27, 22-25, 11-15 pag­yuko sa Ateneo Lady Eagles noong Marso 20.
File Photo

Laro Ngayon(FilOil Flying V Center)

8 a.m. UE vs NU (M)

10 a.m. ADMU vs DLSU (M)

2 p.m. UST vs ADU  (W)

4 p.m. NU vs DLSU (W)

MANILA, Philippines — Kapwa hangad ng three-straight champion De La Salle Lady Spikers at University of Santo Tomas Tigresses na bumangon agad mula sa masaklap na kabiguan sa kanilang mag­kahiwalay na laban ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP Volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Galing ang Lady Spi­kers sa kanilang ikalawang talo sa mga kamay ng UP Lady Maroons, 16-25, 24-26, 25-19  sa se­cond round ng elims noong Linggo habang asam ng UST Tigresses na bumawi sa mapait na  25-19, 25-22, 25-27, 22-25, 11-15 pag­yuko sa Ateneo Lady Eagles noong Marso 20.

Dahil sa kabiguang ito, kapwa nais ng  Lady Spi­kers at Tigresses na buma­wi agad upang makawala sa four-way tie sa ikalawang puwesto kasama ang FEU Tamaraws at UP Lady Maroons sa parehong 5-3 win-loss kartada sa likuran ng solo leader Ateneo Lady Eagles na may 7-1 slate.

Haharapin ng Lady Spi­kers ang National University Lady Bulldogs (2-6) sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng pagtatagpo ng Tigresses (5-3) at Adamson Lady Falcons (1-7) sa alas-2 ng hapon.

Sinisisi ni multi-titled coach Ramil de Jesus ang kanilang 17 service errors na siyang dahilan sa kanilang three-set loss sa Lady Maroons, lima nito mula kay Lourdes Cle­mente at tig-tatlo sina Aduke Ogunsanya, Marionne Alba at Jolina De La Cruz.

Sa men’s division, asam ng NU Bulldogs (7-1) na muling angkinin ang solo liderato sa pakiki­pagtuos kontra sa UE Red Warriors (2-6) sa alas-8 ng umaga habang target naman ng Ateneo Blue Eagles (5-3) ang pang-anim na panalo laban sa DLSU Green Spikers (3-5) sa alas-10 ng umaga.

vuukle comment

SEASON 81 UAAP VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with