Kahapon ay pormal nang inihayag ni Sotto ang kanyang desisyong mag-training sa ibang bansa para simulan ang pagtupad ng kanyang pangarap.
Kai magte-training sa abroad
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

Papasukin ang NBA

MANILA, Philippines — Sa kanyang taas na 7-foot-2 sa murang edad na 16-anyos ay marami ang nagsasabing maa­aring si Kai Sotto ang maging kauna-unahang Pinoy na makapaglalaro sa National Basketball Association (NBA).

Kahapon ay pormal nang inihayag ni Sotto ang kanyang desisyong mag-training sa ibang bansa para simulan ang pagtupad ng kanyang pangarap.

“Nakapag-decide na po ako at ng pamilya ko,” wika ni Sotto sa kanyang Instagram account. “I’ll be leaving soon to start trai­ning full-time. I want to devote the next two to three years to single-mindedly focus on my goal of joining the NBA by 2021 or 2022."

Nauna nang napansin ng mga koponan mula sa ibang bansa ang potensyal ng anak ni dating PBA center Ervin Sotto.

Kabilang dito ang mga EuroLeague teams na Real Madrid, FC Barcelona at Baskonia, ang Bundesliga squad na Alda Berlin at ang Movistar Estudiantes ng Liga ACB.

Hindi nilinaw ni Sotto kung saang bansa siya magte-training.

“After a lot of effort by me and my dad to assess all the opportunities presented to me, I strongly feel (with his advice and the advice of other expe­rienced mentors) that lea­ving immediately to start my training and getting the right exposure will go long way to help me realize my dream,” wika ni Sotto.

Iiwanan naman ni Sotto ang Blue Eaglets bagama't may dalawang taon pa siyang natitira sa UAAP.

Sa kanyang huling UAAP season ay nagposte si Sotto ng mga averages na 25.1 points, 13.9 rebounds, 3.4 assists at 2.6 blocks.

Huling isinuot ni Sotto ang uniporme ng Ateneo noong nakaraang linggo kung saan nabigo ang Blue Eaglets kontra sa Fil-Am USA sa NBTC National Finals sa kabila ng tinapos niyang 24 points at 8 boards.

KAI SOTTO NATIONAL BASKETBALL ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with