Generika ‘di susuko sa Petron
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itataya ng nagdedepensang Petron ang malinis na rekord nito laban sa mapa­nganib na Generika-Ayala sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Hahataw ang bakbakan ng Blaze Spikers at Lifesavers sa alas-2 ng hapon na susundan ng engkuwentro ng Cignal HD at PLDT Home Fibr sa alas-4:15 at ng Foton at United Volleyball Club sa alas-7 ng gabi.

Matayog ang lipad ng Petron na may 11-game winning streak.

Galing naman ang Lifesavers sa dalawang sunod na panalo at inaasahang muli itong magbubuhos ng lakas  para mapangala­gaan ang kanilang 4-7 marka sa No. 6 spot.

Ngunit kung matatalo ito sa Petron, tuluyan nang lalabo ang pag-asa ng Lifesavers na makahirit ng twice-to-beat card sa quarterfinals.

Sesentro din ang atensiyon sa Cignal at PLDT na parehong naghahabol din sa twice-to-beat incentive sa quarterfinals.

Okupado ng Power Hitters ang No. 3 (7-5) habang ikaapat naman ang HD Spikers (6-6).

Desidido naman ang two-time Foton na tuldukan ang nine-game losing skid nito.  

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA PETRON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with