GoPilipinasGo pep rally para sa SEAG PHL team
(Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sasama ang mga mi­yembro ng national team sa mga sporting legends pati ang mga coaches at sports officials sa pagdaraos ng GoPilipinasGo movement ng pep rally at concert para sa Team Phi­lippines na sasabak sa 30th Southeast Asian Games.

Ang programa na magsisimula ngayong alas-5 ng hapon ang magsisilbing grand launch ng GoPilipinasGo movement na binuo para sa SEA Games at sa hangarin ng Team Philippines na makamit ang overall championship.

Nakatakda ang 2019 SEA Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Gagawin ang GoPilipinasGo Athletes Rallly sa Rizal Memorial Baseball Field na naging lugar sa mga tagumpay ng national baseball at softball teams sa nakalipas na mga taon.

Isang entablado ang itinayo sa kaliwang bahagi ng stadium na nagsilbing saksi sa mga home runs ng ilang baseball greats kagaya nina  Babe Ruth, Charlie Gehringer at Lou Gehrig.

Kabilang sa mga Pinoy sporting legends na inimbi­tahan ay sina Lydia de Vega, Elma Muros-Posadas, Bong Coo, Paeng Ne­pomuceno, Eric Buhain, Onyok Velasco, Roel Velasco, Akiko Thomson-Guevara, Renato Unso, Stephen Fernandez at Bea Lucero.

Hinawakan ng bansa ang SEA Games noong 1981, 1991 at 2005 at ilang mga gold, silver at bronze medalists ang inaasahang sasama sa pep rally.

Libre para sa publiko ang pep rally sa mga fans na tumatangkilik sa mga national athletes at mapapanood pa ang mga bandang Johnny Cross, Silver Box at This Band.

Ang ilan sa 500 events mula 56 sports na inilatag sa SEA Games na gagawin sa Luzon kasama ang New Clark City sa Tarlac na pagdarausan ng swimming at track and field competitions.

Inangkin ng Pilipinas ang overall title noong 2005 nang idaos ang SEA Games sa bansa sa ikatlong pagkakataon. 

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES GOPILIPINASGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with