SMB-Alab nadiskaril sa Saigon-Heat
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy na inaalat ang San Miguel Alab Pilipinas nang umani ito ng 80-81 kabiguan sa Saigon Heat sa pagtatapos ng eliminasyon ng 2019 Asean Basketball League Season 9 sa CIS Arena sa Vietnam.

Nakagawa si Puerto Rican import Renaldo Balkman ng 25 puntos, walong rebounds at dalawang assists ngunit hindi ito sapat kaya tuluyang nahulog ang Beermen sa ikaapat na sunod na panalo.

Nagdagdag naman si two-time MVP Bobby Ray Parks Jr. ng 16 puntos, dalawang rebounds at dalawang assists habang nakabalik na mula sa injury si Brandon Rosser na umiskor ng 14 points at walong boards.

Papasok ng quarterfinals ang Alab Pilipinas hawak ang 18-8 marka sa No. 2 spot.  Makakasagupa nito ang Hong Kong Eastern sa best-of-three playoffs na magsisimula sa Biyernes.

2019 ASEAN BASKETBALL LEAGUE SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with