Nailusot ni Lycha Ebon ng FEU ang kanyang spike laban kina Mary Joy Dacoron at Chiara May Permentilla ng Adamson.
(Kuha ni Joven Cagande)
Lady Maroons winalis ang Lady Spikers
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabilis na pinatumba ng University of the Philippines ang nagdedepensang De La Salle University, 25-16, 26-24, 25-19, para maipilit ang four-way tie sa ikalawang puwesto sa UAAP Season 81 wo­men’s volleyball kahapon sa Ynares Sports Arena sa Antipolo City.

Kumuha ng lakas ang UP kay fourth-year opposite hitter Diana Mae Carlos na nagtala ng 13 points, habang naramdaman din si outside spiker Isa Molde na kumana ng mga krusyal na puntos sa third set kabilang ang game-winning off-the-block hit.

Magkakasosyo na ang UP, La Salle, University of Santo Tomas at Far Eas­tern University sa No. 2 spot tangan ang pare-parehong 5-3 baraha.

Winalis ng Lady Maroons ang Lady Spikers sa eliminasyon matapos kunin ang 21-25, 25-20, 25-21, 20-25, 15-12 panalo sa first round noong Marso 2.

Sa unang laro, nalusutan ng FEU ang matikas na hamon ng Adamson University, 30-32, 25-20, 23-25, 25-20, 15-13, upang makabalik sa porma.

Nagawang makatakas ng Lady Tamaraws sa kabila ng pagkawala nina veteran middle hitter Jeanette Villareal at rookie opposite spiker Lycha Ebon na nagtamo ng injury.

Nakalikom ng 19 points si Ebon bago ang ma­sa­mang pagbagsak sa ka­nang tuhod sa fifth set, habang nagtala naman si Heather Guino-o ng 14 hits at gumawa si playmaker Kyle Negrito ng 23 excellent sets at siyam na puntos para sa FEU.

Sa men’s division, bu­mawi ang La Salle laban sa University of Santo Tomas, 27-25, 25-22, 22-25, 25-23.

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with