Sa Oakland, nagposte si rookie sensation Luka Doncic ng triple-double, ha­bang umiskor si Dirk No­witzki ng season-best 21 points para banderahan ang Dallas Mavericks sa 126-91 paggiba sa Golden State Warriors.
Young itinakas ang Hawks; Mavs wagi sa Warriors
(Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

ATLANTA -- Nagbagsak si guard Trae Young ng 32 points, kasama ang last-second, go-ahead floater, pa­ra ilusot ang Hawks kontra sa bisitang Philadelphia 76ers, 129-127.

Tinapos ng Atlanta ang six-game winning streak ng Philadelphia, nakahugot kay center Joel Embiid ng 27 points at 12 rebounds, ha­­bang may 25 markers si Jimmy Butler.

Nagdagdag si Taurean Prince ng 23 points para sa Hawks.

Sa huling 3.5 segundo ay kinuha ni Young ang in­bound pass mula kay Ke­vin Huerter at nilusutan si Butler para sa kanyang short jumper sa natitirang 0.1 segundo ng final canto.

Sa Oakland, nagposte si rookie sensation Luka Doncic ng triple-double, ha­bang umiskor si Dirk No­witzki ng season-best 21 points para banderahan ang Dallas Mavericks sa 126-91 paggiba sa Golden State Warriors.

Sinamantala ng Dallas ang hindi paglalaro ni Stephen Curry para tapusin ang kanilang tatlong sunod na kabiguan at ilaglag ang Golden State sa top seed sa Western Conference sa ilalim ng Denver.

Tumipa si Kevin Du­rant ng 25 points kasu­nod ang 19 markers ni De­Marcus Cousins para sa Warriors, nagtala ng mahinang 4-for-30 shooting sa three-point range, kasama ang 0-of-8 ni Durant at 0-of-4 ni Klay Thompson.

Tumapos si Don­cic na may 23 points, 11 rebounds at 10 assists pa­ra sa unang panalo ng Mavericks sa Oakland ma­tapos ang 12 sunod na kamalasan sapul nang ma­nalo noong Abril 2012.

Sa Washington, humugot si Dwyane Wade ng 11 sa kanyang 20 points sa fourth quarter para ihatid ang Miami Heat sa 113-108 pagdaig sa Wizards.

Nanatili ang Miami sa eighth place sa Eastern Conference.

Nagdagdag si Wade ng 9 rebounds at tumapos sa double digits sa pang-siyam na sunod na laro ng Heat.

Ito na ang huling season ng 13-time All-Star.

Nag-ambag sina Dion Waiters at Josh Richardson ng 19 at 18 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Miami, inungusan ang Orlando sa labanan sa huling playoff spot sa East.

Sa Chicago, humakot si center Rudy Gobert ng 21 points at 14 rebounds para banderahan ang Utah Jazz sa 114-83 panalo sa Bulls.

Nag-ambag si Donovan Mitchell ng 16 points at 8 rebounds, habang may 13 markers si Derrick Favors para sa Jazz.

Pinamunuan naman ni Lauri Markkanen ang Bulls mula sa kanyang 18 points at 10 rebounds.

Sa Memphis, kumabig si big man Karl-Anthony Towns ng 33 points at 23 re­bounds para igiya ang Min­nesota Timberwolves sa 112-99 pagpapabagsak sa Grizzlies.

Nagtayo si Andrew Wiggins ng 22 points kasunod ang 17 markers ni roo­kie Josh Okogie para sa Tim­ber­wolves.

DALLAS MAVERICKS GOLDEN STATE WARRIORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with