Lumasap ang Che’lu ng 77-82 kabiguan sa kamay ng Saint Clare College-Virtual Reality ngunit mabilis silang nakaresbak matapos itarak ang 89-63 pag­gu­po sa Batangas-Emilio Aguinaldo College.
PBA images
Revellers pakay ang Win No. 2 kontra sa McDavid
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng Che’lu Bar and Grill na maikonekta ang ikalawang sunod na pa­­nalo sa pagsagupa sa McDavid sa 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Magtutuos ang Revellers at McDavid ngayong alas-4 ng hapon sa Aspirant’s Group.

Wala pang panalo ang McDavid kaya’t pinayuhan ni Chélu head coach Stevenson Tiu na hindi dapat ma­ging kumpiyansa ang kanyang bataan.

“I’m always remin­ding my players that even though they’re talented and experienced, it’s a guarantee that we’ll win. We have to work hard every game whichever team we face,” wika ni Tiu.

Lumasap ang Che’lu ng 77-82 kabiguan sa kamay ng Saint Clare College-Virtual Reality ngunit mabilis silang nakaresbak matapos itarak ang 89-63 pag­gu­po sa Batangas-Emilio Aguinaldo College.

Sasandalan ng Revellers si Adamson Universi­ty ace Sean Manganti kasama sina Jeff Viernes, Jesse Collado at Jay-R Taganas.

Nais ng Che’lu na ma­pa­ganda ang kanilang 2-1 baraha.

Galing naman ang McDavid sa tatlong dikit na ka­biguan kabilang ang 64-89 pagyuko sa Petron-Colegio de Sa Juan de Letran.

Kaya naman kakayod nang husto sina David Caranguian, Michael Sorela, James Martinez at Jan Co­lina para mapaangat ang kanilang puwesto sa  Aspirants Group.

Samantala, magtatagpo naman ang Marinerong Pilipino (2-2) at The Masterpiece Clothing-Trinity University of Asia (0-3) sa unang bakbakan sa alas-2 ng hapon.

Tumupi ang Skippers laban sa Wangs Basketball, 78-88, habang natalo rin ang White Stallions sa mga kamay naman ng Cha Dao-Far Eastern Univer­sity (81-106) sa larong pa­rehong ginanap noong Mar­so 14.

2019 PBA D-LEAGUE MCDAVID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with