Fake news
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2019 - 12:00am

Dehins daw matutuloy ang SEA Games dito sa Pilipinas?

“Fake news,” ang sagot ng hepe ng Philippine Olympic Committee na si Ricky Vargas.

 Tila may mga nagkakalat kasi ng balita na hindi raw matutuloy ang hosting natin sa November.

Kakulangan daw sa budget ang dahilan.

May balita pa na ready na raw ang Indonesia na pumalit bilang host ng 30th SEA Games.

Pinabulaan din ito ni Bambol Tolentino, ang POC chairman at kongresista sa Tagaytay City.

“Tuloy ang hosting natin,” sabi niya. Nakakahiya nga naman tayo kung ma-postpone ito.

Kahit nga raw ma-delay ang release ng budget ay hindi tayo aatras bilang host.  Limang bilyon ang inilaan ng senado para sa SEA Games kahit na P7.5 billion ang inasahan ng organizers.

 Ang problema, ke kulang o hindi eh, wala pa ang pera. Nung January pa sana ito lumabas at halos April na.

“Aabonohan namin kung kailangan,” ang sabi ni Tolentino, sabay tingin kay Alan Peter Cayetano, ang head ng organizing committee.

Natawa lang si Caye­tano. Hindi raw totoong willing siyang mag-abono para sa budget ng SEAG.

Fake news din.

 

FAKE NEWS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with