Pakyaw pinupulsuhan ang gusto ng fans
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinupulsuhan ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang damdamin ng mga tagahanga nito sa kung sino ang nais nilang makaharap ng Pinoy champion sa kanyang susunod na laban.

Sa katunayan, nagpa-survey pa ito kahapon sa kanyang Twitter account (@MannyPacquiao) kung saan apat ang pagpipilian ng mga fans.

Nasa listahan sina undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr., World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Keith Thurman,  World Boxing Council (WBC) welterweight champion Shawn Porter at Danny Garcia.

“Who should I fight next?,” ayon sa post ni Pacquiao.

May halos 30,000 boto na ang natanggap ni Pacquiao habang sinusulat ang balitang ito.

 At lumabas na si Mayweather ang nasa unahang listahan ng mga fans na nakakuha ng 76 porsiyento ng mga boto.

Pumangalawa sa botohan si Thurman na may malayong 11 porsiyento habang ikatlo si Garcia na may walong porsiyento at ikaapat naman si Porter na may limang porsiyento.

Kapuna-punang wala sa listahan ng pinagpilian si IBF welterweight king Errol Spence Jr. na sariwa pa sa matagumpay na pagdepensa ng kanyang titulo laban kay Mikey Garcia sa Arlington, Texas.

PAKYAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with