“Every game is very important for us because we have a chance na maka-top two,” sabi ni coach Bong Ravena. “Kaya every opportunity na dumating we have to grab it.”
Jun Mendoza
Texters iiwas sa sagasa ng Dyip
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon(Ynares Center, Antipolo City)

4:30 p.m. TNT Katropa vs Columbian

7 p.m. Blackwater vs Magnolia

MANILA, Philippines — Para makopo ang No. 2 berth sa quarterfinal round ay kailangang ta­lunin ng TNT Katropa ang Colum­bian at NorthPort sa kanilang huling dalawang laro sa elimination round.

“Every game is very important for us because we have a chance na maka-top two,” sabi ni coach Bong Ravena. “Kaya every opportunity na dumating we have to grab it.”

Sumasakay sa four-game winning streak, sasagupain ng Tropang Texters ang Dyip ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang upakan ng Magnolia Hotshots at sibak nang Blackwater Elite sa alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Naibulsa na ng Phoenix (9-2) ang No. 1 seat sa eight-team quarterfinals habang nag-aagawan naman ang Rain or Shine (8-3), TNT Katropa (6-3), Barangay Ginebra (5-3) at nagdedepensang San Miguel (6-4) sa No. 2 ticket.

Magkakatabla naman sa ikaanim na silya ang NLEX (4-5), Magnolia (4-5) at Alaska (4-5) kasunod ang Columbian (4-6), Meralco (3-7), NorthPort (2-6) at Blackwater (2-8).

Kagaya ng Tropang Texters, importante din para sa Dyip ang panalo para sa puwesto sa quarterfinals.

Sa ikalawang laro, pipilitin naman ng Hotshots na maduplika ang 103-90 paggupo sa Batang Pier noong Miyerkules sa kanilang pakikipagtuos sa Elite.

Kung mananalo laban sa Elite at kontra sa Road Warriors ay tuluyan nang makakasikwat ng tiket sa quarterfinals ang Hotshots, naghari sa 2019 PBA Go­vernor’s Cup.

TNT KATROPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with