Lusot sa mga kamay ni Ariana Angustia ng United VC ang kill ni Mikaela Lopez ng Generika sa aksyong ito sa PSL Grand Prix.
Ernie Peñaredondo
Lifesavers nakasilip pa ng pag-asa
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

Laro Bukas (The Arena)

4pm Generika vs Sta. Lucia

6pm F2 vs Petron

MANILA, Philippines — Pinalugmok ng Generika-Ayala ang United Volleyball Club sa pamamagitan ng pukpukang 25-23, 21-25, 19-25, 27-25, 15-12 desisyon para hablutin ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naglatag ng solidong laro si Thai outside hitter Kanjana Kuthaisong na kumana ng 19 attacks kabilang ang game-winning hit para pamunuan ang matikas na pagresbak ng Lifesavers na umani ng ikatlong panalo.

Umabante ang Generika-Ayala sa 3-7 baraha upang bahagyang buhayin ang pag-asa nitong makapasok sa Top 4 sa pagtatapos ng eliminasyon.

Kailangan lang ng Lifesavers na maipanalo ang nalalabing mga laro nito at umasang matalo ang iba pang koponan sa ibabaw ng standing para makahirit ng twice-to-beat card sa quarterfinals.

Una nang nasungkit ng reigning champion Petron ang unang twice-to-beat incentive matapos makalikom ng imakuladang 10-0 kartada.

Nagawang makadikit ng United VC sa 12-all sa fifth set sa likod nina outside hitter Kalei Mau at setter Alohi Robins-Hardy na nagbigay ng cross-court attack at drop shot, ayon sa pagkakasunod.

Subalit isang krusyal na mintis ang nagawa ni Mau sa service area na sinundan ng attacking error ni Yaasmeen Bedart-Ghani para bigyan ng dalawang libreng puntos ang Lifesavers at makalayo sa 14-12.

Tinuldukan ni Kuthaisong ang laban sa pamamagitan ng solidong off-the-block hit para makuha ang panalo.

Maliban kay Kuthaisong, nagbigay ng importanteng puntos sina wing spiker Fiola Ceballos at team captain Angeli Araneta gayundin si middle hitter Ria Meneses bago ito magtamo ng sprain sa huling bahagi ng third set.

Nanatili ang United VC sa No. 4 spot bitbit ang 5-5 rekord.

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with