Gilas lulusot sa 2nd round—Chot
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

May tsansa ang Gilas Pilipinas na umabante sa second round ng bigating 2019 FIBA World Cup na didribol sa Agosto 31 sa China.

Ito ang matibay na paniniwala ni dating national head coach Chot Reyes sa kabila ng inaasahang matinding mga teams na sasagupain ng tropa ni mentor Yeng Guiao.

Kasama ng Pilipinas, ang No. 31 ranked sa buong mundo, sa Group D ang No. 4 Serbia, No. 13 Italy at No. 39 Angola.

“We are in a tough group, no doubt about it but coach Yeng has often said that he’s a believer in miracles and so am I,” wika ni Reyes.

Si Reyes ang nag-akay sa Pilipinas sa paglalaro sa FIBA World Cup noong 2014 sa Spain matapos angkinin ang silver medal ng FIBA-Asia Championship noong 2013.

Tinapos ng Gilas Pilipinas ni Reyes kasama si naturalized player Andray Blatche, ang kanilang kampanya sa 1-4 kung saan ang tanging tinalo nila ay ang Senegal, 81-79 sa overtime.

Nabigo ang Pilipinas sa Croatia via overtime, 81-78, yumukod sa Greece, 82-70, natalo sa Argentina, 85-81 at nalusutan ng Puerto Rico, 77-73 na tinampukan ni Alab Pilipinas import Renaldo Balkman.

Nasa Group A ang host China kasama ang Ivory Coast, Poland at Vene­zuela, China habang kasama sa Group B ang Russia, Argentina, Korea Republic at Nigeria at ang Group C ay binubuo ng Spain, Iran, Puerto Rico at Tunisia.

Nangunguna ang USA sa Group E kasama ang Turkey, Czech Republic at Japan, samantalang bumabandera ang Brazil sa Group F kahanay ang Greece, New Zealand at Montenegro.

Ang Italy ang unang makakasagupa ng Pilipinas sa Agosto 31 sa pagsisimula ng 2019 FIBA World Cup sa Foshan International Sports and Cultural Center sa Foshan, China.

2019 FIBA WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with