Na-blangka ni Roselyn Doria ng NU ang tira ni Roselle Baliton ng UE.
Ernie Pe­ñaredondo
Lady Eagles matatag ang kapit sa top spot
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakabalikwas ang Ateneo de Manila University sa mabagal na simula upang kubrahin ang pahirapang 19-25, 22-25, 27-25, 25-22, 15-11 come-from-behind win laban sa University of Santo Tomas sa UAAP Season 81 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bumandera sa panig ng Lady Eagles si middle blocker Maddie Madayag na bumanat ng 23 puntos buhat sa 11 attacks, 11 blocks at isang ace gayundin kina team captain Bea De Leon at opposite hitter Kat Tolentino na nag-ambag din sa opensa at depensa ng tropa.

Naging armas ng A­te­neo ang solidong b­locking at matikas na floor defense upang masawata ang pagtatangka ng Tigresses tungo sa ikapitong sunod na panalo sa walong laro at mapatatag ang kapit sa solong pamumuno.

Nanatili sa No. 3 spot ang Tigresses sakmal ang 5-3 baraha.

Sa unang laro, napaamo ng University of the East ang National University, 25-16, 25-18, 24-26, 25-16 para mapaganda ang baraha nito sa 2-6.

Lider ng Lady Warriors si outside hitter Mary Anne Mendrez na nagbaon ng 19 puntos tampok ang 18 attacks habang naasahan din sina Judith Abil na umiskor ng 13 hits at Seth Rodriguez na nagdagdag naman ng 12 markers.

Lumasap ang Lady Bulldogs ng ikaanim na pagkatalo para hayaan ang Lady Warriors na su­malo sa No. 6 spot hawak ang parehong 2-6 marka.

Nagtulung-tulong sina Princess Robles, Ivy Lacsina at Roselyn Doria sa pagkolekta ng pinagsama-samang 36 puntos.

Sa men’s division, dinu­ngisan ng Ateneo ang Far Eastern University sa bendisyon ng makapigil-hiningang 31-29, 22-25, 25-23, 26-24 panalo.

Pumalo si Ron Medalla ng career-high 32 points mula sa 27 attacks, tatlong blocks at dalawang aces habang nagdagdag si Tony Koyfman ng 21 markers para umangat ang Blue Eagles sa 5-3.

Bagsak sa 7-1 ang Tamaraws.

UAAP SEASON 81 WO­MEN’S VOLLEYBALL T
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with