United VC may misyon sa Generika-Ayala
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umangat sa No. 3 spot ang puntriya ng United Volley Club sa oras na makaharap  ang Generika-Ayala sa pagbabalik ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Hahataw ang paluan ng United VC at Generika-Ayala sa alas-2 ng hapon kasunod ang pukpukan ng Cignal at Foton sa alas-4:15 at ng Sta. Lucia Realty at PLDT Home Fibr sa alas-7 ng gabi.

Nasa ikaapat na puwesto ang United VC tag­lay ang 5-4 baraha sa ilalim ng nagungunang Petron (10-0), F2 Logistics (8-2) at PLDT (6-5).

Matayog ang lipad ng United VC na galing sa impresibong panalo laban sa Cignal HD sa kanilang huling laro, 14-25, 25-21, 25-21, 26-24.

Umaasa si United VC head coach Joshua Ylaya na mauulit ng kanyang tropa ang 25-23, 17-25, 25-22, 23-25, 15-11 panalo nito sa Lifesavers sa first round ng eliminasyon.

“We’ll definitely prepare for Generika-Ayala. This is a very hungry team. They had some good games and they just got out of the slump. We have to give our best because winning over them takes a lot,” ani Ylaya.

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with