^

PSN Palaro

Kaya pa ni D­wyane Wade!

Pilipino Star Ngayon
Kaya pa ni D­wyane Wade!
Tinirahan ni D­wyane Wade ng Heat si Dwayne Bacon ng Hornets sa aksyong ito sa NBA.

Heat tinusta ang Hornets

MIAMI-- Hindi inasahan ni Dwyane Wade na magkakaroon siya ng mahabang playing time dahil sa iniindang bruised right hip.

Sa halip ay naglaro siya sa loob ng 28 minuto para tulungan ang Heat sa 93-75 panalo laban sa bisitang Charlotte Hornets.

“Just thankful I could go out there and contribute,” sabi ni Wade, tumapos na may 17 points sa ilalim ng 19 mar­kers ni Goran Dragic mula sa bench para sa mahalagang panalo ng Miami sa season.

Ang tagumpay ng Heat ang nagpatibay sa kanilang pag-upo sa No. 8 seat sa Eastern Conference playoff kasunod ang No. 10 Hornets.

Sa Milwaukee, nagposte ang seven-footer na si Joel Embiid ng 40 points at 15 rebounds para pa­ngunahan ang Philadelphia 76ers sa 130-125 paggiba sa Bucks.

Nagdagdag si Jimmy Butler ng 27 points habang may 19 at 12 markers sina JJ Redick 19 at Tobias Harris para sa Philadelphia.

Nagpakawala naman si Giannis Antetokounmpo ng career-high 52 points mula sa 15-of-26 fieldgoal shooting kasama ang 3-of-8 clip sa three-point range at nagsalpak ng 19-of-21 sa free throw line sa panig ng Milwaukee.

Sa Detroit, umiskor si Blake Griffin ng 25 points at nagposte si Andre Drummond ng 15 points at 17 rebounds para pamunuan ang Pistons sa 110-107 pananaig sa Toronto Raptors.

Nag-ambag si Reggie Jackson ng 20 points sa panig ng Detroit, naipanalo ang 14 sa kanilang huling 18 laban.

Sa Orlando, kumolek­ta si Nikola Vucevic ng 27 points at 20 rebounds sa paggiya sa Magic  sa 101-91 panalo sa Atlanta Hawks.

Nagdagdag si Aaron Gordon ng 22 points at 8 rebounds para sa Orlando, nasa likod ng Miami sa karera para sa huling Eastern Conference playoff spot.

vuukle comment

BASKETBALL

DWYANE WADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with