^

PSN Palaro

Letran kinaldag ang McDavid

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Letran kinaldag ang McDavid
Umiskor si Jeo Ambohot ng Petron-Le- tran laban kay Jan Colina ng McDavid.
PBA D- League photo

MANILA, Philippines — Inilabas ng Petron-Letran ang bagsik nito upang iselyo ang impresibong 89-64 panalo laban sa McDavid para angkinin ang ikalawang sunod na panalo sa 2019 PBA D-League kahapon sa Paco Arena sa Manila.

Minanduhan ni Jeo Ambohot ang matikas na atake ng Knights nang kumana ito ng 17 puntos at walong rebounds tungo sa 2-1 baraha ng Intramuros-based squad.

Maganda ang pagbabalik ni Jerrick Balanza na galing sa brain tumor operation matapos tumipa ng 12 puntos, apat na assists at dalawang steals habang nagparamdam din si Larry Muyang na naglista ng 11 markers kalakip ang anim na assists at tatlong caroms.

Humataw ng 17 puntos na kalamangan ang Petron-Letran sa ikalawang kanto subalit unti-unti itong tinapyas ng McDavid sa likod ni Dahrrell Caranguian para makalapit sa 54-58 sa third quarter.

Mabilis namang naapula ng Knights ang mainit na kamada ng McDavid nang pasabugin nito ang 12-0 run para muling makalayo, 70-54 sa huling 7:52 sa orasan.

Mula rito ay hindi na lumingon pa ang Petron-Letran.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE

MCDAVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with