^

PSN Palaro

Petron tangka ang bonus

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Petron tangka ang bonus

MANILA, Philippines — Puntirya ng Petron na hablutin ang unang twice-to-beat incentive sa quarterfinals sa pagharap nito sa PLDT Home Fibr sa pagpapatuloy ng Philippine Superliga Grand Prix nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang paluan ng Blaze Spikers at Power Hitters sa alas-4:15 ng hapon matapos ang engkuwentro ng United Volley Club at Cignal HD sa alas-2. Masisilayan din ang pukpukan ng Sta. Lucia Realty at F2 Logistics sa alas-7 ng gabi.

Ang apat na mangu­ngunang koponan matapos ang double-round robin ang mabibiyayaan ng twice-to-beat card sa quarterfinals.

Namamayagpag ang Petron tangan ang 9-0 baraha - limang panalo na lamang para ma-sweep ang eliminasyon. Magugunitang nagawa na ng Blaze Spi­kers ang sweep sa kumperensiya noong 2015 All-Filipino Conference.

Ngunit wala sa isip ni Petron head coach Shaq Delos Santos ang sweep o anupaman.

Mas tutok ito kung paano mas lalong pag-iinitin ang kanilang laro lalo pa’t papasok na sa krusyal na estado ang torneo.

“We don’t want to be complacent. We haven’t proven anything yet so we have to take it one game at a time,” pahayag ni Delos Santos.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

PLDT HOME FIBR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with