Dagdag venue para sa BEST Center

(Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagdagdag ang BEST Center ng venue para sa kanilang basketball at volleyball clinics ngayong bakasyon.

Maliban sa Ateneo college covered courts, Starmall-Alabang at Our Lady of Guadalupe Minor Seminary, isang bagong center ang bubuksan sa International Goodwill 3 Subdivision sa San Antonio, Parañaque.

Maaaring magpatala ang mga students sa Preparatory Level at Level 1 ng basketball sa Goodwill 3 clinics na gagawin sa multi-purpose hall sa Abril 1 mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-11:30.

Ang mga basketball clinics tuwing Lunes at Huwebes ay nakatakda sa Abril 8-Mayo 2 sa Ateneo college covered courts para sa students sa Preparatory Level, Level 1, Level 2 (9-11 years old) at Level 5 para sa morning classes.

Ang clinics Levels 1, 2 (12-years old and above), 3,4 at 6 ay sa ala-1 hanggang alas-4:30 ng hapon.

Pamamahalaan din ng International Christian Academy ang Levels 1-2 students sa ala-1:30 hanggang alas-4:30 ng hapon sa Abril 1-29.

Ang volleyball sessions sa ICA sa alas-8:30 ng umaga hanggang alas-11:30 ng tanghali para sa Levels 1 at 2.

Ang Starmall-Alabang ang mangangasiwa sa volleyball clinics sa Abril 1-29 sa ala-1:30 ng hapon hanggang alas-4:30 ng hapon sa Levels 1 at 2.

Ang maagang pagpapatala para sa lahat ng venues ay gagawin bukas sa Ateneo at sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary sa Linggo. Para sa detalye ay tumawag sa 372- 3065/66, 411-6260  Email: bestcenter,inquiry@gmail.com  Facebook:  bestcentersportsinc

BEST CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with