Dumipensa sina May Luna at Aduke Ogunsanya ng La Salle sa atake ni Audrey Paran ng NU. (PM photo ni Joven Cagande.
Ika-3 dikit sa La Salle
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinailangan muna ng reigning champion De La Salle University na magbanat ng buto bago ilusot ang 25-10, 20-25, 27-25, 25-22 pahirapang panalo laban sa National University para manatiling malinis ang kanilang baraha sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi kuntento si La Salle mentor Ramil de Jesus sa inilaro ng kanyang bataan partikular na sa service area kung saan ilang mintis din ang nagawa ng tropa.

“Sabi ko sa kanila, ka­pag nagkamali sa service kayo na yun, hindi na pwede isisi sa kalaban dun ako medyo na-frustrate. Kapag nagkamali na med­yo natatakot na ulit magkamali kaya easy ball na ang dumarating sa kalaban nakapag-execute sila (NU) ng plays,” ani de Jesus.

Umiskor si May Luna ng 14 puntos tampok ang 13 attacks samantalang nagrehistro naman si middle blocker Aduke Ogunsanya ng 13 hits para sa Lady Spikers na napatatag ang kapit sa solong  liderato.

Sa ikalawang laro, pina­bagsak ng University of the East ang Adamson University, 20-25, 28-26, 25-23, 25-22 para masungkit ang kanilang unang panalo sa tatlong laro.

Sa men’s division, umiskor si reigning MVP Bryan Bagunas ng 27 puntos para pamunuan ang nagdedepensang NU sa pagsakmal ng 23-25, 25-22, 25-23, 25-18 panalo laban sa La Salle.

Napatatag naman ng Adamson ang kapit sa lide­rato tangan ang 3-0 marka matapos igupo ang UE, 25-19, 25-19, 25-23 .

DE LA SALLE UNIVERSITY UAAP SEASON 81 WOMEN’S VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with