HD Spikers lumakas uli ang signal
Laro sa Martes (The Arena)
2pm F2 vs UVC
4:15pm Foton vs PLDT
7pm Generika vs Cignal
MANILA, Philippines — Bumangon agad ang Cignal sa pagkakalugmok sa first set upang itarak ang 23-25, 25-11, 25-16, 25-23 pananaig kontra Sta. sa Lucia Realty kahapon sa Philippine Superliga Grand Prix sa Bacoor Strike Gym sa Cavite.
Muling umariba si American import Erica Wilson matapos ipako ang 18 spikes, tatlong blocks at apat na aces para buhatin ang HD Spikers sa ikatlong puwesto tangan ang 2-1 baraha.
Nakatuwang ni Wilson si fellow import Anastasia Artemeva ng Azerbaijan na bumira ng 17 puntos gayundin si dating Adamson University opposite hitter Mylene Paat na nagrehistro naman ng 13 hits para sa Cignal.
“I devised a strategy in the second and third sets so I decided to put both Ana (Artemeva) and Erica at the open spiker spots while Mylene takes care of the opposite,” ani HD Spikers coach Edgar Barroga.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Cignal matapos yumuko sa F2 Logistics sa kanilang unang pagsalang.
Binigyan lamang ni Barroga ng limitadong minuto si team captain Rachel Anne Daquis na inihahanda para sa mga krusyal na laro ng HD Spikers.
“This is a long tourney and we want Rachel to be fresh for the tough grind ahead. Even though we’re down at some moments, we stayed together and continued fighting as a team,” wika pa ni Barroga.
Nalaglag ang Lady Realtors sa ikatlong dikit na kabiguan matapos magtala ng upset win sa Generika-Ayala sa opening day.
Nakalikom sina reinforcements Casey Schoenlein at Molly Lohman ng pinagsamang puntos subalit hindi ito sapat para makabalik sa porma ang Sta. Lucia.
- Latest