Nagwakas naman ang 303 sunod na career start ni Karl-Anthony Towns para sa Timberwolves nang ilista siya sa concussion protocol matapos ang isang car accident noong Huwebes sa Minnesota.
AP
Knicks gumulong sa Timberwolves
(Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2019 - 12:00am

NEW YORK — Humataw si Derrick Rose ng 20 points at nagdagdag si Taj Gibson ng season-high 19 para pangunahan ang 115-104 panalo ng Minnesota Timberwolves laban sa Knicks.

Nagwakas naman ang 303 sunod na career start ni Karl-Anthony Towns para sa Timberwolves nang ilista siya sa concussion protocol matapos ang isang car accident noong Huwebes sa Minnesota.

Nag-ambag si Andrew Wiggins ng 17 points  habang tumipa si Anthony Tolliver ng season-high 16 markers mula sa bench para sa Timberwolves.

Sa Toronto, isinalpak ni Kawhi Leonard ang isang go-ahead dunk sa huling 15 segundo at tumapos na may 25 points para akayin ang Raptors sa 120-117 paggiba sa dati niyang tropang San Antonio Spurs.

Diniskaril din ni Leonard ang pagbabalik ni DeMar DeRozan sa Toronto. Inagaw ni Leonard ang bola mula kay DeRozan sa midcourt at kumaripas para sa kanyang game-winning one-handed slam.

Tumapos si DeRozan na may 23 points.

Sa Indianapolis, sa pag­kawala ni injured All-Star guard Victor Oladipo, umiskor ang bagong hugot na si Wesley Matthews ng 15 sa kanyang 24 points sa third period para ihatid ang Indiana Pacers sa 126-111 panalo laban sa New Orleans Pelicans.

Nakabangon ang Pa­cers mula sa 20-point deficit para balikan ang Pelicans.

DERRICK ROSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with