^

PSN Palaro

Lady Spikers sosyo sa unahan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Spikers sosyo sa unahan
Inilabas ni setter Michelle Cobb ang kanyang magandang porma nang maglista ito ng 25 excellent sets para makabuo ng solidong plays para sa kanyang mga attackers.
Jose Mendoza

Laro ngayon (The Arena)

2pm UST vs UP (w)

4pm FEU vs ADMU (w)

MANILA, Philippines — Tinuhog ng reigning champion De La Salle University ang Adamson University sa pamamagitan ng 25-16, 25-21, 25-20 demo­lisyon upang sumampa sa No. 1 spot sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Inilabas ni setter Michelle Cobb ang kanyang magandang porma nang maglista ito ng 25 excellent sets para makabuo ng solidong plays para sa kanyang mga attackers.

Sinamantala naman ni opposite spiker Jolina Dela Cruz ang magagandang sets ni Cobb para makakuha ng 10 hits gayundin sina skipper Desiree Cheng at outside spiker May Luna na nagbigay ng kontribusyon sa attack line.

“Siguro I fully trusted on my spikers that they will finish the play. I think yung composure ko, ‘yun ang nakatulong sa akin para makagawa ng plays. We have to keep going, move forward. Yung errors kailangan naming tutukan para hindi mawala yung momentum,” ani Cobb.

Sumulong ang La Salle sa  2-0 baraha para saluhan sa liderato ang University of the Philippines na may parehong marka.

Umani naman ng ikalawang sunod na kabiguan ang Lady Falcons para malugmok sa ilalim ng standings.

Sa unang laro, sinakmal ng National University ang 25-19, 25-23, 25-19 panalo laban sa University of the East para pumasok sa win column tangan ang 1-1 rekord.

Laglag ang Lady Warriors sa 0-2 kung saan ta­nging si Judith Abil lamang ang nakakuha ng double digits makaraang umani ito ng walong attacks at dalawang aces.

Sa men’s division, nanaig ang Adamson sa La Salle, 25-21, 23-25, 25-19, 25-17 para makisalo sa No. 1 spot kasama ang Far Eastern University hawak ang magkatulad na 2-0 karta.

Wagi rin ang reigning champion NU sa UE, 25-13, 25-18, 25-18 upang umangat naman sa 1-1.

May 1-1 card na rin ang Red Warriors.

vuukle comment

UAAP SEASON 81 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with