^

PSN Palaro

Kai Sotto pararangalan ng PSA

Pilipino Star Ngayon
Kai Sotto pararangalan ng PSA
Ang 7-foot-2 high school student mula sa Ateneo ang magiging pinakabagong gagawaran ng Mr. Fan Favorite ‘Manok Ng Bayan’ Award ng sportswriting fraternity sa traditional gala night na inihahandog ng MILO, Cignal TV at ng Phi­lippine Sports Commission.
FIBA Photo

MANILA, Philippines — Inaasahang aagaw ng pansin ang higanteng si Kai Sotto sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Martes sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Ang 7-foot-2 high school student mula sa Ateneo ang magiging pinakabagong gagawaran ng Mr. Fan Favorite ‘Manok Ng Bayan’ Award ng sportswriting fraternity sa traditional gala night na inihahandog ng MILO, Cignal TV at ng Phi­lippine Sports Commission.

Si Sotto ang ikalawang ‘Manok ng Bayan’ awar­dee na pararangalan ng pinakamatandang media organization sa pakiki­pagtambal sa Chooks To Go matapos si PBA star Terrence Romeo.

Ngayon pa lamang ay ikinukunsidera na ang 15-anyos na si Sotto bilang ‘future’ ng Philippine basketball dahil sa kanyang tangkad at talento.

Ang anak ni dating PBA player Ervin Sotto ang bumandera sa kampanya ng FIBA U16 Asian Cham­pionship sa Foshan, China noong nakaraang taon kung saan siya humakot ng 28 points, 21 rebounds, 3 assists at 3 block shots sa kanilang 72-70 quarterfinal win laban sa Japan na nagbigay sa Pilipinas ng tiket sa FIBA U17 World Cup sa Argentina.

Nakipagtambal din si Sotto kay Filipino prospect AJ Edu sa FIBA U18 Asia Championship sa Nonthaburi, Thailand para makapaglaro ang bansa sa FIBA U19 World Cup sa Greece.

Sa UAAP ay binanderahan naman ni Sotto ang Ateneo Blue Eaglets sa pagdagit sa 2018 juniors basketball championship at hinirang na Finals MVP.

Kinuha ni national coach Yeng Guiao si Sotto para maging bahagi ng trai­ning pool sa FIBA World Cup qualifiers at nauna nang isinama ni dating national mentor Chot Reyes sa 23-man PH pool na magha­handa sa 2023 World Cup.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with