Hinarangan ni Exekiel Biteng ng Trinity University of Asia si Axel Inigo ng Wangs Basketball.
Wangs, San Beda nakalusot
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

Laro sa Lunes(Paco Arena, Manila)

2 p.m. Cignal-Ateneo vs Family Mart-Enderun

4 p.m. Chadao-FEU vs Valencia City Bukidnon-SSCR

MANILA, Philippines — Nagpasiklab ng double-double performance si Arvin Tolentino para iangat ang Wangs Basketball C­ouriers sa 89-69 panalo kontra sa Masterpiece Clothing-Trinity habang nagwagi naman ang Metro­pac-San Beda laban sa Perpetual Help Altas, 85-75 kahapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umani ng 13 puntos at sampung rebounds si Tolentino habang si Axel Inigo ay tumulong din ng 12 puntos, anim na rebounds at apat na assists upang itala ang kanilang unang panalo sa 2019 Season.

Bukod kina Tolentino at Inigo, tumapos din ng 13 puntos, limang assists at tatlong rebounds at 12 puntos naman si Rickso Gerero na may kasama pang limang rebounds para makisosyo ang C­ouriers sa liderato sa Group B kasama ang Valencia-SSC Stags, Cha Dao-FEU at CEU Scorpions sa parehong 1-0 win-loss kartada.

“Sobrang saya namin kasi nakita naman namin ang effort. Lahat ng pinaghirapan namin, nagbunga,” sabi ni Wangs coach Pablo Lucas.

Kumalas ang Couriers simula sa ikatlong yugto sa shooting nina Tolentino at Daryl Singontiko para itatag ang 20 puntos na bentahe, 67-47 na umabot pa sa malaking 76-51 ang agwat sa umpisa ng pang-apat na yugto.

“Yung pressure defense namin, isa sa ma­laking bagay noong third quarter period. Talagang pinahirapan namin sila mag-receive ng bola lalo na si (Michael) Canete dahil siya ang gumagawa sa kanila,” dagdag ni Lucas.

Sa iba pang laro, umiskor si James Canlas ng 11 sa kanyang kabuuang 15 puntos sa second half at humakot pa ng apat na rebounds, isang assist at isang block para makapasok agad ang Metropac Movers sa win column.

WANGS BASKETBALL C­OURIERS VS MASTERPIECE CLOTHING-TRINITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with