^

PSN Palaro

Makati tuloy sa pananalasa; Quezon City kumakasa pa

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas (Mayor Vitaliano D. Agan Coliseum, Zamboanga City)

7 p.m. Gen. Santos City vs  Valenzuela

9 p.m. Z’boanga  vs  Bacoor

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang ratsada ng Makati Super Crunch matapos inilampaso ang Laguna Heroes, 76-65 habang nagwagi naman ang Quezon City Capitals  kontra sa Imus Bandera, 80-71 sa pagpapatuloy ng 2018-2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Miyerkules ng gabi sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Umani si John Rey Villanueva ng double-double sa kanyang 22 puntos, 11 rebounds, limang assists at apat na steals  habang 15 naman mula kay Jeckster Apinan na may kasamang 10 rebounds, isang assist at isang steal upang makabalik ang Makati sa solo second spot sa 20-4 win-loss kartada.

Tumulong din ng tig-10 puntos sina Cedric Ablaza at Joseph Sedurifa para manatili ang Super Crunch sa likuran ng nangungunang Bataan Risers (21-2) sa mabibigat na Northern Division at abot kamay na ang home court advantage sa playoff round.

Kailangan pa rin ng Super Crunch na manalo laban sa Quezon City Capitals sa huli nilang laro sa Lunes sa Valenzuela Astrodome para hindi na malampasan pa ng ikatlong San Juan Knights (19-5) at pang-apat na Manila Stars (19-5) sa standing pagkatapos ng elimination round.

Nanatili ring buhay ang pag-asa ng Quezon City Capitals na makapasok sa quarterfinal round bunga ng kanilang panalo laban sa Imus Bandera upang patatagin ang hawak sa 6th spot sa Northern group sa 11-11- slate. Ang Bandera ay bumaba sa pang-siyam na puwesto sa 9-13 card sa Southern Division.

vuukle comment

2018-2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with