^

PSN Palaro

Lady Eagles gustong makabangon agad

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Lady Eagles gustong makabangon agad
Maghaharap ang Lady Eagles at Tigresses sa alas-2 ng hapon at magtatagpo naman ang Lady Maroons at Lady Tamaraws sa alas-4 ng hapon.

Laro Ngayon(FilOil San Juan City)

8 a.m. ADMU  vs  UST (M)

10 a.m.  UP  vs  FEU (M)

2 p.m.  ADMU  vs UST (W)

4 p.m.  UP  vs  FEU (W)

MANILA, Philippines — Hangad ng Ateneo Lady Eagles na bumangon agad sa pagharap kontra sa University of Santo Tomas Tigresses habang magtatagpo rin ang mga opening day winners na UP Lady Maroons at FEU Lady Tamaraws ngayon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang Lady Eagles at Tigresses sa alas-2 ng hapon at magtatagpo naman ang Lady Maroons at Lady Tamaraws sa alas-4 ng hapon.

Target din ng Blue E­agles ang ikalawang pa­nalo sa pagtatagpo laban sa UST Growling Tigers sa alas-8 ng umaga at asam ng FEU Tamaraws ang parehong ikalawang sunod na panalo sa pakikipagtuos kontra sa UP Fighting Maroons sa alas-10 ng umaga sa men’s division.

Matapos mabigo sa unang laro, hinikayat ni A­teneo coach Oliver Almadro ang kanyang koponan na kalimutan na ang kanilang 14-25, 17-25, 25-16, 19-25 talo sa three-peat champion at archrival De La Salle Lady Spikers noong Linggo at mag-focus na lamang sa laban nila ngayon kontra sa UST.

Hindi rin madaling kalaban ang Tigresses lalo na galing sila sa five-set panalo kontra sa Adamson Lady Falcons, 25-21, 25-21, 24-26, 24-26, 15-6 noong Linggo  rin kaya mataas ang confidence ng tropa ni head coach “Kung Fu” Reyes.

“What I told  my players that the good thing now is we’ve seen our worst but we’ve not yet seen our best, so it’s the first game and the UAAP is a long season and what matters is the last game of the season so we will take the positives on this game,” sabi ni Almadro na siyang pumalit kay dating Thailander coach Tai Bundit.

Pinanood agad ng Lady Eagles ang tape ng  laro nila ng DLSU upang i-review ang laban at makita ang kanilang weaknesses at mag-focus sa kanilang strengths.

 Kapwa asam naman ng Lady Maroons at FEU Lady Tamaraws ang ikalawang sunod na panalo makaraang magwagi sa kanilang magkahiwalay na laban sa first game ng torneo.

vuukle comment

UAAP SEASON 81 VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with