^

PSN Palaro

Errol Spence handang labanan si Pacquiao kahit saan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Errol Spence handang labanan si Pacquiao kahit saan
Wala itong pakialam kung saan man ganapin ang laban--sa Pilipinas man o saang parte ng mundo--matuloy lamang ang pakikipagtuos nito kay Pacquiao.

MANILA, Philippines — Nagdeklara si International Boxing Federation (IBF) welterweight cham­pion Errol Spence na handa nitong harapin si eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang susunod na laban.

Wala itong pakialam kung saan man ganapin ang laban--sa Pilipinas man o saang parte ng mundo--matuloy lamang ang pakikipagtuos nito kay Pacquiao.

“I’ll fight Manny Pacquiao anywhere, definitely in the Philippines and anywhere else,” wika ni Spence na nagpahayag ng kahandaang magtungo sa Pilipinas para maisaayos ang laban.

Subalit sesentro muna ang atensiyon ni Spence sa pagdepensa nito ng titulo laban kay Mikey Garcia sa Marso 16 sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.

Matapos ang laban, agad na tututukan ni Spence ang pakikipagnegosasyon sa kampo ni Pacquiao para maplantsa ang laban.

Kasalukuyang pumipili ang Team Pacquiao ng makakalaban matapos isiwalat ni undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. na sasalang ito sa isa na namang exhibition match sa Hulyo sa Japan.

Nakatakdang ipagtanggol ni Pacquiao ang kanyang World Boxing Association (WBA) regular welterweight title na napanatili nito matapos igupo si Adrien Broner noong Enero sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

At kabilang ang pa­ngalan ni Spence sa mga pinagpipilian ng kampo ng Pinoy champion.

Isa si Spence sa mga matitinik na boksingero sa welterweight division kaya’t malaki ang tsansa nitong makuha ang boto ng Team Pacquiao. 

vuukle comment

ERROL SPENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with