^

PSN Palaro

Yap gumana sa 5-dikit na panalo ng RoS

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Yap gumana sa 5-dikit na panalo ng RoS
James Yap

MANILA, Philippines — Isa si James Yap sa mga  naging susi ng Rain or Shine para sa sinasakyang five-game winning streak at solohin ang liderato ng 2019 PBA Philippine Cup.

Nagposte ang two-time PBA Most Valuable Player ng mga averages na 13 points, 4.0 rebounds at 1.6 assists para hirangin bilang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week.

Inungusan ng 37-anyos na si Yap ang kakamping si Beau Belga at sina star center June Mar Fajardo, Terrence Romeo at Arwind Santos ng San Miguel at sina guard Chris Banchero, Carl Bryan Cruz at Ping Exciminiano ng Alaska para sa weekly citation.

Sa loob ng limang araw ay tatlong beses naglaro ang Elasto Painters kung saan malaki ang naitulong ni Yap para sa koponan ni coach Caloy Garcia.

Nagtala si Yap ng 18 points mula sa magandang 6-of-9 shooting sa three-point range sa 107-100 panalo ng Elasto Painters laban sa NorthPort Batang Pier noong Pebrero 8.

Tumapos naman si Yap na may 2 points at 4 boards sa loob ng 18 minuto mula sa 98-94 paglusot ng Rain or Shine kontra sa dating nangungunang Phoenix.

Isang araw bago ang kanyang kaarawan noong Pebrero 13 ay nagposte ang dating Red Warrior ng University of the East ng 18 points kasama ang game-winning three-point play buhat sa foul ni Rome dela Rosa para akayin ang Elasto Painters sa 75-74 pagtakas sa dati niyang tropang Magnolia Hotshots.

vuukle comment

2019 PBA PHILIPPINE CUP

JAMES YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with