^

PSN Palaro

SMB-Alab tumiyak ng Playoffs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling inilampaso ng San Miguel Alab Pilipinas ang Zhuhai Wolf Warriors, 108-81 upang makasiguro ng tiket sa playoffs ng Asean Basketball League (ABL) Season 9 sa Sta. Rosa Multi-purpose Complex sa Laguna.

Nagawang pulbusin ng Beermen ang Wolf Warriors sa kabila ng pagkawala ni Puerto Rican import PJ Ramos na napatawan ng suspensyon matapos magtamo ng ikalimang technical foul sa kanilang 105-79 panalo sa Zhuhai noong Biyernes sa Doumen Gymnasium sa China. 

Nagsilbing lakas ng Alab Pilipinas si Defensive Player of the Year Renaldo Balkman na umani ng 20 puntos, siyam na assists, anim na rebounds, tatlong blocks at isang steal para pamunuan ang tropa sa pagkopo ng ika-15 panalo sa 18 laro.

Hataw din si two-time MVP Bobby Ray Parks Jr. na nagsumite naman ng 17 markers, limang boards at limang assists gayundin si Brandon Rosser na nagrehistro ng impresibong 16 points at sina Caelan Tiongson at Lawrence Domingo na may pinagsamang 26 puntos.

 Bagsak ang Zhuhai sa 2-17 kartada.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with