Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao
Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao
Pac-M’weather 2 bulilyaso na
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pansamantalang ma­bu­bura sa senaryo ang rematch nina reigning World Boxing Association regular welterweight champion Manny Pacquiao at undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Inihayag ni Mayweather na nakatakda itong sumalang sa isa na namang exhibition match sa Hulyo sa Japan.

Makakaharap ni Mayweather ang isang dating Japanese boxer sa isang bakbakang aabot lamang sa tatlong rounds.

“I have another exhi­bition in Japan in July (against) a former Japanese boxer for $10 million for three rounds. It’s all about being smart. My faculties are very important,” ayon sa panayam na TMZ Sports.

Sakaling matuloy, ito ang ikalawang exhibition match ni Mayweather sa Japan.

Magugunitang kumita ito ng $9 milyon nang payukuin si Japanese mixed martial artist Tenshi Nasukawa noong Disyembre 31.

Kaya naman posibleng burado muna ang pangalan ni Mayweather sa listahan ng Team Pacquiao para sa susunod na laban nito.

Nakalinya na ang mga pangalan ng mga posibleng makasagupa ni Pacquiao sa oras na ipagtanggol nito ang kanyang World Boxing Association (WBA) regular welterweight title.

Pinakamatunog ang pangalan ni WBA super welterweight belt Keith Thurman na galing sa majority decision win kay Josesito Lopez noong Enero 26 sa Barclays Center sa New York City.

Maugong din ang pa­ ngalan nina World Bo­xing Council (WBC) welterweight champion Shawn Porter, International Bo-xing Federation titlist Errol Spence at Danny Garcia na pare-parehong sasalang sa kani-kanilang laban sa mga susunod na buwan.   

MANNY PACQUIAO WORLD BOXING ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with