Gilas kayang sabayan ang Qatar
Gilas kayang sabayan ang Qatar
(Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kundisyon ang Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup qualifier sa Doha, Qatar.

Sa katunayan, halos lahat ng local players nito ay  nasa Top 10 sa statistics ng 2019 PBA Philippine Cup gaya nina RR Pogoy, June Mar Fajardo, Jayson Castro, Japeth Aguilar at Marcio Lassiter na pasok sa Top 10 sa scoring.

Parehong may double-double digits sina Fajardo at Scottie Thompson habang sina Poy Erram, Raymond Almazan at Fajardo ang mga nangungunang blockers sa liga.

Siyam sa miyembro ng Gilas Pilipinas ay may averages na double digits.

Tanging sina Paul Lee at Mark Barroca ang may mababang produksiyon.

Hawak ni Lee ang a­verages na 8.7 points, 3.7 rebounds at 3.0 assists habang si Barroca ay nagtataglay ng 8.3 markers, 4.3 boards at 3.0 assists.

Ngunit hindi naman nawawala ang tiwala ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao kina Lee at Barroca dahil alam nitong kaya nilang makipagsaba­yan sa oras na makalaban ng Pilipinas ang Qatar sa Huwebes at Kazakhstan sa Linggo.

Sa kabilang banda, si Pogoy ay third-best sa sco­ring matapos magsumite ng 19.8 points at 9.67 rebounds kada laro.

Nakasakay naman si Fajardo sa impresibong 19.1 points at 11.9  rebounds performance kada laro habang si Thompson ay may 11 markers, 10 boards at 3.6 assists per game.

Maganda rin ang rekord ni Aguilar (18.2 points at 7.0 rebounds) at nina Castro (18.7 points at 5.3 assists), Troy Rosario (14.0 markers at 4.3 rebounds) at Erram (15.7 points, 8.7 rebounds at 3.3 blocks).

FIBA WORLD CUP GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with