Na-block nina Judith Abil at Seth Rodriguez ng UE ang kill ni Isa Molde ng UP.
Joven Cagande
Lady Maroons, Lady Tams mainit ang simula
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon (MOA, Pasay City)

8 a.m.  ADU vs UST (M)

10 a.m. DLSU vs ADMU

2 p.m. ADU vs UST (W)

4 p.m. DLSU vs ADMU (W)

MANILA, Philippines — Naka-iwas sa upset  ang paboritong University of the Philippines Lady Maroons laban sa University of the East Lady Red Warriors, 25-12, 22-25, 23-25, 25-19, 15-12 kahapon para sa magandang simula sa UAAP Season 81 volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Hindi inaasahan ang dikit na laban na umabot agad sa limang sets sa u­nang araw pa lamang kaya hindi malayo na ma­lampasan ang 19 five-setter games noong nakaraang taon.

Biglang nawala ang depensa ng Lady Maroons matapos ang madaling pa­nalo sa unang set, 25-12 kaya naunahan sila sa 2-sets to 1. Pero nanatili ang ka­nilang composure at nagpakawala ng malaking rally sa fourth set sina Tots Carlos, Isa Molde, Maris Layug, Justine Dorog, Lorie Bernardo at Arielle Estranero para itabla ang laro sa 2-sets all.

Lumapit pa rin sa hu­ling pagkakataon ang Lady Red Warriors sa atake ni Laiza Bendong, 7-8 sa deciding fifth set  pero humataw sina Jessma Ramos at Molde ng tatlong sunod na puntos upang lumayo sa 11-8.

Pinangunahan ni Molde ang Lady Fighting Maroons sa kanyang 23 puntos kabilang na ang 19 atake, dalawang aces at dalawang blocks habang si Carlos ay umani ng 15 atake para malampasan ng tropa ni coach Godfery Okumu ang opening day jinx.

Samantala, magarbo ring sinimulan ng Far Eastern University Lady Tamaraws ang kanilang kampanya nang igupo ang National University Lady Bulldogs, 22-25, 25-19, 25-19, 25-12

Sa men’s games, binuksan ng University of the East Red Warriors ang ba­gong season sa pamamagitan ng 20-25, 25-10, 25-22, 25-21 upset win laban sa University of the Philippines Fighting Maroons habang niyanig naman ng Far Eastern University Tamaraws ang nagdedepensang Na­­tio­nal University Bulldogs sa straight sets,  25-12, 25-18, 25-17.

Samantala, umpisa­han ng three-peat champion De La Salle Lady Spikers ang asam na ika-apat na sunod na korona sa pagharap kontra sa arch-rival Ateneo Lady Eagles sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng labanan ng Adamson Lady Falcons at UST Tigresses sa alas-2 ng hapon ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa men’s game, magtatagpo rin ang Adamson Soaring Falcons at UST Growling Tigers sa alas-8 ng umaga at susundan ng laro ng DLSU Green Archers at Ateneo Blue  E­agles sa alas-10 ng umaga.

UAAP SEASON 81 VOLLEYBALL TOURNAMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with