Ipinakita ng mga swimmers ang gintong medalyang kanila­ng napanalunan kasama sina coaches Alex Papa, Marlon Dula at Luisito Luistro sa 153rd Philippine Swimming League (PSL) National Series.
Chris Co
Tig-2 gold kina Cusing, Mojdeh
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumisid ng dalawang gintong medalya sina Diliman Preparatory School (DPS) standout Paul Christian King Cusing at Susan Papa Swim Academy bet Behrouz Mojdeh upang pangunahan ang mga gold medalists sa 153rd Philippine Swimming League (PSL) National Series-DPS Class C and Motivational Swim Meet kahapon sa DPS swimming pool sa Quezon City.

Pinagharian ni Cusing ang boys’ 15-over 50m butterfly sa bilis na 29.50 segundo at ang 100m individual medley sa pamamagitan ng isang minuto at 8.59 segundo habang namayagpag si Mojdeh sa boys’ 7-year 25m butterfly (19.25) at 25m backstroke (23.00).

Pinatunayan naman nina Marc Bryan Dula ng Masville Elementary School at Trump Christian Luistro ng Hope Christian School-Legazpi na handa na ang mga ito sa Pala­rong Pambansa Regional Qualifying Meet matapos mangibabaw sa kanilang events.

Namayagpag si Dula sa boys’ 12-year 50m butterfly (30.05) samantalang nanguna si Luistro sa boys’ 10-year 100m IM (1:24.22).

“We’re happy to see a lot of new talented swimmers. We will monitor their progress because our focus right now is to identify and develop young swimmers for future international competitions,” ani PSL President Susan Papa.

Nagparamdam din ng lakas sina Montessori De Manila-Parañaque Kevala Wasan (boys’ 11-year) gayundin sina Susan Papa Swim Academy tankers Marcus Jared Dula (boys’ 6-under) at Mikaela Bliss Dula (girls’ 10-year) na humirit ng medalya sa kani-kanilang paboritong events.

153RD PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE BEHROUZ MOJDEH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with