Paluan simula na sa PSL Grand Prix
MANILA, Philippines — Muling masisilayan ang matitikas na volleyball players sa bansa tampok ang kani-kanilang foreign imports sa paglarga ng Philippine Superliga Grand Prix ngayong araw sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Magbabakbakan ang apat na koponang mag-uunahang makuha ang buwenamanong panalo kung saan hahataw ang United Volleyball Club at Foton sa alas-4 at ang Sta. Lucia Realty at Generika-Ayala sa alas-6 ng gabi.
Isang simpleng opening ceremonies ang idaraos sa alas-3 ng hapon,
Umaasa ang Generika-Ayala na masusundan nito ang magandang kampanya sa All-Filipino Conference kung saan umabot ang tropa sa semifinals.
Sasandalan ni head coach Sherwin Meneses sina Marivic Meneses, Fiola Ceballos at Patty Orendain kasama ang imports na sina open spiker Nikolle del Rio ng Brazil at middle blocker Kseniya Kocyvit ng Azerbaijan
“Our confidence is high. As much as possible, we want to give our local players a lot of opportunities in the Grand Prix. That’s why we tapped a middle blocker and an open spiker as imports. We want to reward our locals for a job well done in the previous conference,” ani Meneses.
Hangad ng Lifesavers na makabalik sa finals sa taong ito matapos huling tumapak sa championship round noong 2014.
Ipaparada naman ng Sta. Lucia ang bagong coach na si dating National University mentor Babes Castillo.
- Latest