SBP titiyakin ang entry ng Pinas sa 2020 Olympics
(Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na may koponang maisasabak sa Summer Olympics, at ito ay sa pamamagitan ng 3x3 competition.

Itatampok ang nasabing event sa 2020 Olympic  Games na pamamahalaan ng Tokyo, Japan.

Sinubukan ng SBP na makapagsali ng 5-on-5 team sa Olympics kung saan hindi na nakakapag­laro ang mga Filipino ca­gers sa nakaraang 47 taon.

“Mr. Panlilio wants to focus on 3x3 now that it’s an Olympic medal sports. We want to beat 5-on-5 in that race,” ani SBP executive director Sonny Barrios kay SBP president Al Panlilio.

Para simulan ang pag­hahanda sa 3x3 event ay hinirang ng SBP si dating PBA great Ronnie Magsanoc bilang head ng national 3x3 program.

Nakipagpulong ang SBP sa walo sa 16 nilang regional directors para pag-usapan ang 3x3 program.

Nainggit ang dating PBA Commissioner sa Mongolia, miyembro ng FIBA sa loob ng 18 taon, na pinalakas ang kanilang 3x3 program.

Kasalukuyang No. 7 ang  Mongolia sa listahan ng FIBA sa 3x3 men’s  division habang No. 59 naman ang Pilipinas, ang FIBA member sapul noong 1936.

Sa women’s side ay No. 2 naman ang Mongolia sa FIBA ranking sa ilalim ng No. 1 China samantalang nasa No 47 naman ang mga Pinay dribblers.

Maski sa men’s U23 ay No. 2 ang Mongolia sa likod ng No.1 Russia kung saan nasa No. 43 ang Pilipinas.

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with