Stags nakipagtambal sa Valencia sa D-League
(Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakipagtambal ang San Sebastian College-Recoletos sa Lungsod ng Valencia sa Bukidnon para sa darating na season ng 2019 PBA D-League.

Sinabi ni San Sebastian coach Egay Macaraya na ang Stags ang magdadala sa pangalan ng Valencia sa PBA D-League na lalahukan ng kabuuang 20 koponan.

“We thank Mayor Huervas and the city council for their support to the team,” wika ni Macaraya. “We want to have a solid partnership in the field of local sports development especially in basketball.”

Idinagdag ni Macaraya na ang pagsali ng San Sebastian sa PBA D-League ay bahagi ng kanilang pag­hahanda para sa darating na NCAA Season 95.

Si Valencia City Councilor Policarpio Murillo IV ang tatayong team mana­ger  habang si Rudirex ‘DX’ Ampo ang hinirang na assistant team manager para sa kanilang kam­panya sa PBA D-League.

Ang Stags ay susuportahan din nina San Se­bastian president Fr. Nemesio Tolentino, athletic director Fr. Glyn Ortega at San Sebastian Stags team manager Ramil Ranara ng Peltans Construction.

2019 PBA D-LEAGUE SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with