Muntinlupa pasok sa quarters
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangailangan pa ng extra period ang Muntinlupa bago magwagi kontra sa Pasig, 98-92 habang naka-eskapo naman ang Manila laban sa Marikina, 91-89 sa pagpapatuloy ng 2018-2019 MPBL Datu Cup noong Huwebes ng gabi sa Muntinlupa City Sports Complex.

Nagtulung-tulong sina Dave Moralde, Felix Apriku, Chito Jaime at Ryusei Koga sa 15-9 run sa overtime period para makamit ang kanilang pang-13th panalo at manatili sa ikalawang puwesto sa 13-8 win-loss kartada sa likuran ng nangungunang Davao Occidental Tigers (17-4) sa Southern Division.

Sa panalo ng Cagers, pumasok na sila sa q’finals ng Southern group kasama ang terserang Batangas City Athletics (13-9) at ang Davao Tigers na unang nakakuha rin ng home court advantage sa playoff round.

2018-2019 MPBL DATU CUP MUNTINLUPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with