^

PSN Palaro

Nets inilaglag ang Nuggets

Pilipino Star Ngayon
Nets inilaglag ang Nuggets
Nagsalpak si Russell ng anim sa kabuuang 19 three-point shots ng Nets, nagmula sa pinakamasamang shooting performance ngayong season.
AP Photo/Kathy Willens

NEW YORK--Naglista si D'Angelo Russell ng 27 points at 11 assists para lampasan ng Brooklyn Nets ang kanilang win total noong nakaraang season sa pamamagitan ng 135-130 paggupo sa Denver Nuggets.

Nagsalpak si Russell ng anim sa kabuuang 19 three-point shots ng Nets, nagmula sa pinakamasamang shooting performance ngayong season.

Nag-ambag si DeMarre Carroll ng 18 points, 10 rebounds at 6 assists para sa Brooklyn (29-27) na nagtala ng 21-point lead laban sa Denver para tapusin ang kanilang three-game lo­sing skid.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Denver at nabitawan ang pagsosyo sa liderato sa Western Conference.

Sa Chicago, humataw si Julius Randle ng 31 points para pamunuan ang New Orleans Pelicans sa 125-120 pagdaig sa Bulls.

Pinanood lamang ni All-Star Anthony Davis ang  Pelicans mula sa bench.

Sa Milwaukee, nagpasabog si Giannis Antetokounmpo ng 43 points  habang nagtala si Eric Bledsoe ng 22 points at 11 assists sa 148-129 panalo ng Bucks kontra sa Wa­shington Wizards.

Ito ang pang-limang dikit na ratsada ng Milwaukee, nakakuha ng double figures sa anim na pla­yers at naging unang koponang nakapagposte ng 40 panalo.

vuukle comment

D'ANGELO RUSSELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with