Pinakitaan ng dunk ni Joel Embiid ng 76ers si Josh Hart ng Lakers.
Embiid, Butler bumida sa 76ers
(Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2019 - 12:00am

LOS ANGELES-- Humakot si star center Joel Embiid ng 28 points at 11 rebounds habang nag-ambag si Jimmy Butler ng 20 markers para pamunuan ang Philadelphia 76ers sa 121-105 paggapi sa Lakers.

Nag-ambag si Ben Simmons ng 19 points kasunod ang 17 markers ni Mike Muscala para sa Sixers, naipanalo ang tatlo sa huling apat na laro.

Kumamada naman si Brandon Ingram ng career-high 36 points sa panig ng Lakers, muling naglaro na wala sina Kyle Kuzma (hip injury), LeBron James at Lonzo Ball.

Kaagad kinuha ng Phi­ladelphia ang 12-0 abante bago ito pinalobo sa 38-17 sa dulo ng first quarter patungo sa 39-20 kalamangan sa pagtatapos nito.

Sa Houston, tumipa si Jahlil Okafor ng 27 points at nakabawi ang New Orleans Pelicans mula sa pagkakaiwan para resbakan ang Rockets, 121-116.

Ito ang unang laro ng New Orleans matapos ihayag ng agent ni Anthony Davis ang kahilingan ng five-time All-Star na mai-trade.

Winakasan ng Pelicans ang kanilang three-game losing skid sa gitna ng kagustuhan ni Davis na lumipat ng ibang koponan.

Wala nang plano si Davis, hindi naglaro sa limang sunod na pagkakataon dahil sa kanyang sprained left index finger, na pu­mirma ng extension contract na nagresulta sa kanyang multang $50,000 dahil sa paglabag sa collectively bargained rule.

Sa nasabing patakaran ay pinagbabawalan ang mga players o kanilang mga kinatawan na maghayag ng trade demands sa publiko.

Naglista si Jrue Holiday ng 19 points, 8 assists, 6 rebounds at career-high 6 blocks para sa New Orleans.

Humataw naman si Ja­mes Harden ng 37 points para sa Houston para palawigin sa 24 ang kanyang 30-point games.

Nagtala rin siya ng 11 rebounds, 6 assists at 4 steals para sa Rockets.

Sa Cleveland, umiskor si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 28 points kasunod ang 26 markers ni Cedi Osman para pa­ngunahan ang Cavaliers sa 116-113 paggupo sa Washington Wizards.

Dinuplika ng Cleveland ang kanilang season high na 15 three-pointers at nagtayo ng 25-point lead sa fourth quarter bago nakalapit ang Washington sa 109-119 sa huling dalawang minuto nito.

JOEL EMBIID PHILADELPHIA 76ERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with