Inihayag ni Guiao ang pagsasama kay Ravena, nakakabatang kapatid ni Kiefer ng NLEX, sa kanyang 14-man national pool para sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
facebook/PBAandNBAWorld
Thirdy idinagdag ni Guiao sa 14-man pool
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa impresibo niyang paggiya sa Ateneo Blue Eagles  para sa korona ng nakaraang UAAP season ay hindi kataka-takang pag-interesan si Thirdy Ravena ni national head coach Yeng Guiao.

Inihayag ni Guiao ang pagsasama kay Ravena, nakakabatang kapatid ni Kiefer ng NLEX, sa kanyang 14-man national pool para sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“He is one of the guys we are thinking of kung hindi available or hindi makakahabol si Troy (Rosario) or si Raymond (Almazan),” wika ni Guiao sa panayam ng CNN Philippines.

Makakasama ng 22-anyos na si Ravena sa national poool sina Jayson Castro, Paul Lee, Scottie Thompson, Mark Barroca, Roger Pogoy, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, Japeth Aguilar, JP Erram, June Mar Fajardo, natura­lized center Andray Blatche, back-up national player Christian Standhardinger, Rosario at Almazan.

Ang mga big men na sina Rosario ng TNT Ka­tropa at Almazan ng Rain or Shine ay parehong may injury.

Ang national pool ang paghuhugutan ni Guiao ng Final 12 ng team Pilipinas na sasagupa sa Qatar at Kazakhstan sa road games sa sixth at final window ng Asian Qualifiers sa susunod na buwan.

Lalabanan ng Nationals ang mga Qataris sa Pebrero 21 sa Doha at ang mga Kazakhs sa Pebrero 24.

Nauna nang isinama ang pangalan ni Ravena, ang UAAP Season 81 Finals MVP,  sa national pool para sa 2023 FIBA World Cup na pamamahalaan ng Pilipinas.

Sa two-game sweep ng Blue Eagles laban sa UP Fighting Maroons sa nakaraang UAAP Finals, nagposte ang anak ni da­ting PBA guard Bong Ra­vena ng mga averages na 29.5 points, 8.0 rebounds, 7.5 assists, 2.5 steals at 1.0 blocks.

THIRDY RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with