Isang matinding patutsada ang inihayag ni Pacquiao kung saan sinabi nitong huwag nang bumalik sa ring ang American fighter kung hindi nito kayang pantayan ang tikas ng kanyang kamao.
Pacquiao kay M’weather: ‘Wag nang bumalik sa ring
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumanat si reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao kay undefeated Floyd Mayweather Jr. , isang araw matapos magkrus ang kanilang landas sa isang NBA game sa Staples Center.

Isang matinding patutsada ang inihayag ni Pacquiao kung saan sinabi nitong huwag nang bumalik sa ring ang American fighter kung hindi nito kayang pantayan ang tikas ng kanyang kamao.

“I’m still here in boxing. I want to fight the best fighters out there. If he cannot fight on my level, he better stay retired,” anang eight-division world champion sa panayam ng Sports Illustrated.

Nagkita sina Pacquiao at Mayweather sa dressing room bago ang nakatakdang pagdepensa ng WBA belt ng Pinoy champion kay Adrien Broner noong Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Binigyan ni Mayweather ng ‘good luck message’ si Pacquiao sa naturang paghaharap.

“He came into my dressing room before, said good luck,” kuwento pa ni Pacquiao.

Muling nabuhay ang Pacquiao-Mayweather rematch dahil pareho nang bakante ang dalawang boksingero.

Makailang ulit nang nagkita sina Pacquiao at Mayweather – bagay na higit pang nagpatindi sa usap-usapang gumugulong na ang negosasyon upang matuloy ang inaabangang muling pagtutuos ng dalawa.

Inihayag ni Pacquiao sa kanyang post-fight press conference na handa itong harapin si Mayweather anumang araw at oras ngayon pa’t nagbalik na ang bagsik ng Pinoy sensation.

Ngunit tila nagpapakipot ang kampo ni Mayweather.

Nauna nang inihayag ni Mayweather Promotions CEO Leonard Ellerbe na wala pang balak bumalik sa aksyon ang kanyang bata.

FLOYD MAYWEATHER JR. MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with