Matapos isuko ang lima sa anim nilang laro ay naipanalo ng Thunder ang huli nilang tatlong laro para bumalik sa third place sa Western Conference standings.
AP
Blazers yumuko sa Thunder
(Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

OKLAHOMA CITY -- Nagposte si Paul George ng 36 points at 8 rebounds, samantalang kumolekta si Russell Westbrook ng triple-double sa kanyang 29 points, 14 assists at 10 rebounds para banderahan ang Thunder sa 123-114 paggiba sa Portland Trail Blazers.

Umiskor naman sina Steven Adams at Terrance Ferguson ng tig-14 points para sa Oklahoma City, tinapos ang three-game losing skid sa Portland sa Chesapeake Energy Arena.

Matapos isuko ang lima sa anim nilang laro ay naipanalo ng Thunder ang huli nilang tatlong laro para bumalik sa third place sa Western Conference standings.

Sa Toronto, naglista sina guards Kyle Lowry at Fred VanVleet ng tig-19 points kasunod ang 18 markers ni Pascal Siakam para pamunuan ang Raptors sa 120-105 paggupo sa Sacramento Kings.

Humakot si center Serge Ibaka ng 15 points at 10 rebounds para sa ika-10 sunod na panalo ng Toronto sa kanilang balwarte at dalawa na lamang ang agwat para sa franchise record  na 12 dikit na home wins.

Sa Dallas, nagsumite si Dennis Smith Jr. ng 17 points at 8 rebounds sa kanyang pagbabalik sa koponan matapos ang isang linggo sa gitna ng trade talk at tinalo ng Mavericks ang Los Angeles Clippers, 106-98.

RUSSELL WESTBROOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with