Nailusot ng Fuel Masters ang nasabing dalawang sunod na panalo sa overtime laban sa Meralco Bolts, 93-92 at TNT Katropang Texters, 93-84.
Jun Mendoza
Fuel Masters magsosolo sa unahan vs Dyip
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Phoenix vs Columbian

7 p.m. NLEX vs TNT Katropa

MANILA, Philippines — Hindi biro ang pagpoposte ng Phoenix sa kanilang 2-0 kartada para makasosyo ang NorthPort sa liderato ng 2019 PBA Philippine Cup.

Nailusot ng Fuel Masters ang nasabing dalawang sunod na panalo sa overtime laban sa Meralco Bolts, 93-92 at TNT Katropang Texters, 93-84.

“Last conference mga ganyang games (overtime) natatalo kami eh. So it’s a very, very good experience for us,” sabi ni coach Louie Alas sa kanyang Phoenix na sasagupain ang Columbian ngayong alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagmula naman ang Dyip sa malaking 124-118 paggitla sa four-time champions na San Miguel Beermen kung saan umiskor si No. 1 overall pick CJ Perez ng team-high na 26 points para sa kanyang debut game.

“Huwag silang magre-relax sa amin kasi mayroon silang mapupuntahan kapag ganoon,” sabi ni forward Jackson Corpuz, kumolekta ng 21 points at 11 rebounds sa nasabing panalo ng Columbian kontra sa San Miguel.

Sina Matthew Wright, Calvin Abueva, 2018 PBA Rookie of the Year Jason Perkins, Alex Mallari at Justin Chua ang muling aasahan ng Fuel Masters katapat sina Perez, Corpuz, Rashawn McCarthy at Reden Celda ng Dyip.

Si Fil-Am scoring guard Jerramy King ay nagkaroon ng strained posterior cruciate ligament injury at hindi na makakalaro sa kabuuan ng torneo para sa Columbian.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay mag-uunahan naman ang NLEX at TNT Katropa na makabawi buhat sa kani-kanilang nalasap na pagkatalo.

Parehong may 0-2 marka ang Road Warriors at Tropang Texters.

2019 PBA PHILIPPINE CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with