^

PSN Palaro

Pacquiao, Mayweather nagkita uli

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao, Mayweather nagkita uli
Naglaro ang Golden State Warriors na paborito ni Pacquiao at Los Angeles Lakers na sinusuportahan naman ni Mayweather.

MANILA, Philippines — Nagkita na naman sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. kahapon sa isang NBA game sa Staples Center.

Naglaro ang Golden State Warriors na paborito ni Pacquiao at Los Angeles Lakers na sinusuportahan naman ni Mayweather.

Mismong si Pacquiao ang nag-post ng video ng pagkikita nilang dalawa sa kanyang Twitter account.

Naglalakad si Pacquiao nang maispatan nito si Mayweather sa courtside.

Naunang bumati si Pacquiao ngunit hindi malinaw kung ano ang sinabi nito kay Mayweather.

Nakangiting tumugon ang Amerikanong boksingero na tinapik pa sa dibdib si Pacquiao.

Agad ding umalis si Pac­quiao kasama ang asa­wang si Jinkee at ang kanyang buong team.

Hindi malinaw kung sinadya ang pagtatagpo nina Pacquiao at Mayweather.

Ngunit maugong ang balitang gumugulong na ang negosasyon para sa posibilidad na Pacquiao-Mayweather rematch na posibleng maganap sa Cinco de Mayo na nauna nang target na petsa ni Pacquiao o sa Hulyo ng taong ito.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nagkita sina Pacquiao at Mayweather.

Nauna nang nagbatian ang dalawa sa NBA Filipino Heritage Night noong Enero 9 nang magharap ang Los Angeles Clippers at Charlotte Hornets sa parehong venue.

Nagtagpo rin sina Pacquiao at Mayweather sa isang club sa Tokyo, Japan noong nakaraang taon.

Samantala, ilang maha­halagang gamit ang posibleng natangay ng mga kawatan na nanloob sa bahay ni  Pacquiao sa North Plymouth sa Los Angeles, California.

Base sa salaysay ni Bobby Pacquiao, may  ilang mamahaling gamit ang naiwan sa bahay bago tumulak ang Team Pacquiao sa Las Vegas.

“Noong una nakikita naman na may vault ata doon, may mga gamit din na Louis Vuitton. Hindi pa confirmed kung ano talaga yung mga nawala. Ang sabi nasa likod yung binasag yung salamin siguro binuksan na yung pinto hinalukay yung mga (gamit),” ani Bobby.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with