^

PSN Palaro

Thompson pinaliguan ng tres ang Lakers

Pilipino Star Ngayon
Thompson pinaliguan ng tres ang Lakers
Itinaas ni Klay Thompson ang kanyang kamay matapos ipasok ang record na 10 triples.

LOS ANGELES — Dumiretso ang Golden State Warriors sa kanilang pang-walong sunod na panalo na tinampukan ng pagtatala ni guard Klay Thompson ng isang NBA record.

Isinalpak ni Thompson ang una niyang 10 tangka sa three-point range at tumapos na may 44 points sa 130-111 pagpapalubog ng Warriors kontra sa Lakers.

Dinuplika ng Golden State ang kanilang season high pang-walong sunod na ratsada.

Kumonekta si Thompson ng 10--of-11 shoo­ting sa 3-point line para sa pang-pitong dikit na pa­nalo ng two-time defen­ding champions sa kanilang road games.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 20 points habang nagsumite si Stephen Curry ng 11 points at 12 assists para sa Golden State.

Humataw ang star guard ng 23 points sa third quarter tampok ang kanyang pitong triples para tulungan ang Warriors na maiposte ang 36-point lead laban sa Lakers.

Naglaro ang Lakers na wala sina primary ball-handlers at playmakers LeBron James, Lonzo Ball at Rajon Rondo.

Sa Philadelphia, humakot si center Joel Embiid ng 32 points at 14 rebounds para igiya ang 76ers sa 121-93 panalo laban kay James Harden at sa Houston Rockets.

Binanderahan ni Har­den, napiling Western Conference Player of the Week noong Lunes, ang Houston mula sa kanyang 37 points.

Hindi naman naglaro para sa Philadelphia si four-time All-Star Jimmy Butler (sore right wrist).

Sa Boston, nagrehistro si guard Kyrie Irving ng 26 points at 10 assists  habang naglista si center Al Horford ng 16 points at 12 rebounds para pangunahan ang Cel­tics sa 107-99 paggupo sa Miami Heat.

vuukle comment

KLAY THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with