Nag-selfie ang mag-asawang Manny at Jinkee Pac­quiao matapos ang laban kay Adrien Broner.
Pacman nagka-eye injury
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

Rematch kay Mayweather madidiskaril

MANILA, Philippines — Kagaya ng isang man­dirigma, binalewala ni Manny Pacquiao ang mi­nor injury sa kanyang ka­liwang mata sa kasagsagan ng laban nila ni Adrien Bro­ner noong Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas, Ne­va­da.

Sa panayam ng GMA News ay sinabi ng Filipino world eight-division champion na gumasgas ang tapes ng gloves ni Broner sa kanyang kaliwang mata.

“It’s okay, it’s just what my eyes are watering. It’s a scratch to my eyeball. I’ve been through this with the right (eye). Now it’s on the left,” wika ng 40-anyos na si Pacquiao.

Kahapon ay sinasabing inireklamo ni Pacquiao ang pananakit ng kanyang kaliwang mata.

Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas ay inaasahang makikipagkita ang Filipino bo­xing legend sa isang eye specialist.

Nagkaroon din si Pacquiao ng minor injury sa kan­yang kanang mata habang nag-eensayo para sa kanyang title defense laban kay Jeff Horn noong Hulyo ng 2017.

Natalo si Pacquiao kay Horn via unanimous decision at naisuko sa Australian ang hawak na World Bo­xing Organization wel­ter­weight belt.

 Sa kanyang natamong in­jury sa kaliwang mata la­ban kay Broner ay sinabi ni ‘Pacman’ na kailangan lamang niya itong ipahinga.

“There’s no clutter, it’s really a scratch, it’s just a bit of a medicine,” ani Pac­quiao. “It’s okay, God is good, we just have to rest, it’s easy to heal the scratch in the eyeball.”

Kumpiyansa si Pacquiao na kaagad maghihilom ang kanyang sugat para sa posibleng rematch kay Floyd Mayweather  Jr.

Hindi sumagot ang 41-anyos na si Maywea­ther nang tanungin ukol sa re­match kay Pacquiao.

Related video:

ADRIEN BRO­NER MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with