Batang Pier kinaldag ang Road Warriors
Naging mahigpitan ang laban mula sa first period hanggang sa pagtatapos ng third quarter kung saan nakadikit ang Road Warriors sa 70-71.
PBA.ph

Batang Pier kinaldag ang Road Warriors

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumiretso ang mga Batang Pier sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2019 PBA Philippine Cup.

Sinandigan sina Stanley Pringle at veterans Moala Tautuaa at Sean Anthony sa huling minuto ng fourth period, pinadapa ng NorthPort ang NLEX, 95-90 kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

“Everybody stepped up and played together as a team,” sabi ni Anthony, kumolekta ng 22 points, 9 rebounds at 7 steals para sa 2-0 record ng Batang Pier  habang humakot ang 6-foot-7 na si Tautuaa ng 18 markers at 11 boards.

Naging mahigpitan ang laban mula sa first period hanggang sa pagtatapos ng third quarter kung saan nakadikit ang Road Warriors sa 70-71.

Nagtuwang sina Pringle at Tautuaa para ilayo ang NorthPort, tinalo ang Blackwater, 117-91 sa una nilang laro kung saan humataw si No. 3 overall pick Robert Bolick ng 26 points, sa 79-73 sa kaagahan ng final canto.

Huling nakalapit ang NLEX, nagmula sa 87-96 kabiguan sa Rain or Shine, sa 89-92 buhat sa basket ni Larry Fonacier sa nalalabing 1:45 minuto ng labanan.

Ang tirada ni Tautuaa kasunod ang split ni Anthony ang nag-angat sa Batang Pier sa 95-89 laban sa Road Warriors sa huling 15.5 segundo. 

NorthPort 95 - Anthony 22, Tautuaa 18, Bolick 14, Pringle 11, Taha 9, Elorde 8, Arana 4, Guinto 3, Flores 2, Lanete 2, Grey 2, Gabayni 0, Sollano 0.

NLEX 90 - Erram 19, Quinahan 18, Galanza 11, Paniamogan 10, Magat 8, Tallo 7, Fonacier 5, Baguio 4, Ighalo 2, Alas 2, Soyud 2, Porter 2, Taulava 0, Rios 0.

Quarterscores: 25-22, 48-46, 71-70, 95-90.

2019 PBA PHILIPPINE CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with